Beware of modus in Divisoria

5:30 PM: Papunta ako sa Tutuban Mall. Sa sobrang traffic hanggang dito lang ang byahe ng jeep.

5:30 PM: Papunta ako sa Tutuban Mall. Sa sobrang traffic hanggang dito lang ang byahe ng jeep. Dito naganap ang pangha-harass sa amin alas-9 pasado ng gabi.

Pasensya na sa paggamit ko ng word na ‘Muslim vendor’, wala naman po akong masamang intensyon. Yun kasi ang description ng mga Pulis at yun din ang term ng iba pa sa mga nangharass sa amin. Hindi ko naisip na marami akong mao-offend na readers. Humihingi po ako ng paumanhin sa mga nakabasa. Hindi ko po gustong sabihin na mga Muslim lang mga gumagawa nito.



Beware of modus in Divisoria

First posted  Dec 2, 2013Updated as of Dec 4, 2013 | 9 pm

Modus Operandi ng mga kunwaring tindero sa Divisoria:

Pagbibintangan ka na ikaw ang kumuha ng cellphone nila para ilabas mo ang laman ng bag mo nang sa ganon ay madukot nila ang cellphone mo at posible pa na gulpihin ka ng mga kasama nya.

Ganito ang style:

1. Bata ang front nila, kunwari ay nagtitinda pero nag-aabang ng posibleng biktima

2. Kung anong unit ng cellphone ang binanggit mo sa kaniya…yun ang ibibintang na kinuha mo.

3. Pipilitin ka nilang ilabas ang laman ng bag mo para madukot kung anong cellphone meron ka.

4. Pag nilabas mo ang laman ng bag mo. itatakbo ng isa ang cellphone mo at gugulpihin ka ng mga kasamahan.

5. Sabi ng pulis na nakausap ko ay dito raw sa modus na ito galing ang mga binibentang cellphone na galing sa magnanakaw.

Kaya mag-ingat kayo kung mapapagawi kayo ng Divisoria. Ayon sa report ng mga pulis ay madalas daw ang ganitong pangyayari sa naturang lugar.

 

Ganito ang nangyari sa amin ng kaibigan ko noong Sabado ng gabi:

Pasado alas-9 ng gabi, November 30, 2013 sa Divisoria sa may kahabaan ng Recto Avenue at kanto ng Abad Santos avenue.

Pauwi na kami galing sa coverage ng event sa Tutuban Mall.

*Dalawa ang dala kong bag:

Ang personal kong bag ay naglalaman ng iphone4s at wallet.

Ang isa naman ay giveaway sa event na naglalaman ng nike bag, press kit, at mga pagkain. May dala akong extra cellfone(samsung galaxy fit)…ang mali ko ay inilagay ito sa isa pang bag pansamantala.

Habang naglalakad pauwi kasama si John Cueto ay nagtanong ako sa isang tindahan ng mga cellphone case sa bangketa.

Tinanong ko ang tindero kung meron ba siyang tindang casing para sa iphone4 at ang sabi nya ay wala.

Di pa kami nakakalayo ay hinabol kami ng tindero at pinagbibintangang kinuha namin ang iphone4 nya, pilit nyang pinabubuksan ang dala kong bag at bag ng kasama ko.

Maya maya ay dumarami na ang mga taong nakapaligid sa amin, ang ilan sa kanila ay mga kasamahan nya.

Nang hindi ako pumayag ibigay ang aking mga bag ay hinatak nya ang dala kong bag(na giveaway sa event) at kumalat sa kalsada ang mga laman. Nakuha ko sa kanya ang nike bag at press kit…

…pero ang samsung galaxy fit….hindi ko na nakita kung saan tumalsik.

Kukuyugin na kami ng mga kasamahan nya….hindi kami makalaban ni John dahil marami sila.

Humingi kami ng tulong sa nakita naming traffic enforcer para makapunta kami sa pinakamalapit na police station – PCP P. Algue

Sa police station ay inilabas namin ang mga laman ng bag namin.

Napatunayan namin na hindi kami ang kumuha sa ibinibintang na cellphone sa amin.

Ako naman ang nagreklamo sa kanila ng Robbery at Harrasment. Dalawa lang ang na identify ko…menor de edad pa yung isa.

Kaagad na ipinamedical ang dalawang suspek para madala sa
Manila Police Station 2 Tondo-Moriones kung saan gagawin ang imbestigasyon.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek na-identify na si Jabbar Pacaambong sa Police Station 2 ng Tondo. Yung bata naman ay isu-surrender sa DSWD.

Salamat sa mga tumulong sa amin na traffic enforcer at mga pulis ng PCP P. Algue, Police Station 2 Tondo-Moriones at sa mga crew ng GMA 7 at ABS CBN news.

Jabbar-Pacaambong

Update as of 12/4/13: Jabbar Pacaambong remains in Jail, his brother was surrendered to DSWD.

Related Stories:

Narito ang detalye ng GMA News reporter na si Vonne Aquino

 

‘Salisi’ modus turns victims into suspects by accusing them of theft

http://www.gmanetwork.com/news/story/337840/news/metromanila/salisi-modus-turns-victims-into-suspects-by-accusing-them-of-theft

 

Vendor arrested for robbing blogger:

http://digitaledition.philstar.com/newspaper/showArticle/33306/share/Vendor-arrested-for-robbing-blogger/