Ang Museo ni Cipra



Ang Museo ni Cipra

*First Posted January 17, 2012

Museo ni Cipra

Owner/Artist: Dr. Cipra Kamatoy, 80+ na

Location: Acropolis, Alaminos, Laguna

Si Cipra Kamatoy ay mahilig maglaro ng sudoku puzzle

How to go from LRT Buendia? Ride a JAC Liner going to Lucena and tell the conductor to drop you at Acropolis or just mention Museo ni Cipra

Regular Fare: 112 Php

Student: 90 Php *must show ID

Museo ni Cipra, is a four building compound art gallery, designed and built by Dr. Cipra Kamatoy on December 1, 2007.


Mula sa Buendia LRT sumakay ng JAC Liner na biyaheng Lucena at bumaba sa Acropolis. Mapapansin mo ang sign na ito (Museo ni Cipra) mula sa iyong kaliwa. Alam ng konduktor yan!

Ito ang museo ni Cipra, ito rin ang bahay na pagmamay-ari ng artist na si Dr. Cipra Kamatoy.
Dentist sya pero love nya ang art kaya naman mula nang itinigil niya ang pagiging dentist ay nag full time na siya sa paglikha ng kanyang mga obra. Siya ang nagdisenyo ng buong bahay/museo na ito. At ang buong museo ay matatagpuan sa loob ng Acropolis South na kanyang minana sa kanyang lolo at lola.

Ito ang main entrance ng Museo, kung gusto mong pumunta dito para makita ang kanyang mga obra, magbayad ka lang ng 50 pesos o mag text sa 09216043486 para sa iyong mga katanungan.
“I consider myself as a colorist” – Dr. Cipra Kamatoy

Taong 2007 ginanap ang inauguration ng Museo ni Cipra. Simula noon naging open sa publiko ang kanyang mga obra. Sa ngayon ay itinatayo ni Cipra ang kanyang pangalawang museo sa San Pablo Laguna.

Naging bahagi na rin ng kanyang paglikha ang mga crucifix. Taong 2000 nagkaroon siya ng show sa Ateneo na pinamagatang Cruciform by Cipra. Mag text sa 09216043486 para sa iyong mga katanungan.

Disenyo nya rin ang mga lamesa’t upuan

Si Charito Bitanga ang siyang naging tagapagturo/mentor ni Cipra nang magsimula siyang umattend ng summer class sa pagpipinta.

Bahagi ng museo ang isang building kung saan pwedeng mag overnight ang mga tao. Ang mga disenyong makikita rito ay kasama pa rin sa kanyang mga obra.